November 18, 2024

CAGAYAN, ISABELA SIGNAL NO.3 KAY ‘GORING’

Sa gitna ng patuloy na paglakas ng bagyong Goring, itinaas na sa Signal No. 3 ang northeastern portion ng Cagayan at extreme eastern portion ng Isabela ngayong Sabado ng umaga, Agosto 26, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA nitong 11:00 ng umaga, namataan ang sentro ng Typhoon Goring 155 kilometro ang layo mula sa silangan ng Aparri, Cagayan, na may maximum sustained winds na 150 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 185 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-south southwestward bilis na 10 kilometers per hour.

Dahil sa naturang paglakas ng typhoon Goring, itinaas na ng PAGASA sa Signal No. 3 ang mga sumusunod na lugar:

  • Northeastern portion ng Cagayan (Santa Ana)
  • Extreme eastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan)

Nakataas naman Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar:

  • Eastern portion ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, Ilagan City, Maconacon, Cabagan, Tumauini, San Pablo)
  • Eastern portion ng Cagayan (Peñablanca, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey)
  • Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran)

Samantala, naitala ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar: 

  • Batanes
  • Mga natitirang bahagi ng Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
  • Central portion ng Aurora (Dinalungan, Dipaculao)
  • Quirino
  • Mga natitirang bahagi ng Isabela
  • Apayao
  • Eastern portion ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Solano, Villaverde)
  • Eastern portion ng Ifugao (Lamut, Lagawe, Hingyon, Banaue, Mayoyao, Aguinaldo, Alfonso Lista),
  • Eastern portion ng Mountain Province (Barlig, Natonin, Paracelis)
  • Kalinga

“Due to highly favorable environment, GORING is forecast steadily intensify throughout most of the forecast period and may reach super typhoon category on Monday,” saad ng PAGASA. Samantala, inaasahan naman umanong magdudulot ng occassional rains ang pinalakas ng bagyo na southwest monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas sa susunod na tatlong araw.