December 20, 2024

2023 PHILIPPINE TRAVEL MART NAKATAKDA SA SETYEMBRE

Ang 2023 Philippine Travel Mart (PTM), isa sa pinaka-malaking travel fairs sa bansa, ay nakatakdang maganap mula Setyembre 1 hanggang 3 sa SMX Convention Center in Pasay City.

Sa isang press conference, sinabi ni Philippine Tour Operators Association (Philtoa) President Fe Abling-Yu na ang travel fair ngayong taon ay nakapokus sa pag-promote ng mga popular at mga bagong destinasyon sa bansa.

Inaasahang magsasama ang may 300 exhibitors mula sa 17 rehiyon sa Pilipinas, kasama ang mga hotel, resorts, travel agencies, tour operators, at tourism offices.

Habang unti-unting bumabalik ang sigla ng turismo at patuloy na dumarami ang nais maglakbay pagkatapos ng pandemya, naniniwala ang Philtoa na malalagpasan ang nakaraang dumalo sa PTM na umabot sa 60,000 mga bisita.

“This much awaited event will showcase the richness and diversity of our country’s destinations, experiences and cultures,” wika ni Abling-Yu.

Kinilala ni Tourism Promotions Board (TPB) Chief Operating Officer Maria Margarita Nograles, sa parehong event, ang role ng mga event kagaya ng PTM, na katutulong sa paglago ng ekonomiya.


“The PTM has unlocked the potential of our globally acclaimed and emerging destinations, providing greater investment and business opportunities for our tourism stakeholders,” saad niya.

“The TPB is fully committed to innovating and expanding our tourism portfolio, making traveling more exciting, inclusive and sustainable for both locals and tourists alike,” dagdag pa nito.


Ang PTM, ayon sa Philtoa, ay nanghihikayat sa mga “hidden gems” tulad ng Zamboanga Peninsula at mga probinsya ng Quirino, South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City. Isasagawa ang PTM sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism at ng TPB.