PINAIIMBESTIGAHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Cybercrime Division nito ang nangyaring pangha-hack sa official Facebook page ng government officials sa Negros Occidental.
Ayon kay Renoir Baldovino, abogado at NBI agent in charge, kailangan nila ng formal request mula sa mga apektadong government official para maari nilang i-refer ang krimen sa kanilang national office.
Na-hack nitong mga nakaraang araw ang mga Facebook page ng Masskara Festival, Cadiz City Public Information Office, Team Javi Benitez, EB Magalona municipal government at Negros Occidental Third District Rep. Francisco Benitez.
Pero nitong Agosto 23, narekober na ang accounts ng Cadiz at dalawang Benitez/
“We cannot speculate on the possible motives behind the hacking of the social media accounts of public offices in Negros Occidental,” ayon kay Baldovino.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund