KINAYA ng Gilas Pilipinas na kunin ang serbisyo ng isang naturalized player guard dahil na rin sa mga toreng kinabibilangan nina local big men na sina 7-foot-3 Kai Sotto, 6-foot-10 June Mar Fajardo, 6-foot-10 AJ Edu, at 6-foot-9 Japeth Aguilar.
Gayunpaman,ang world’s No. 40 rank sa mundo na Filipino ay nananatiling underdog kontra No. 28 Dominicans, na may ipinagmamalaking Minnesota Timberwolves star big man na si Karl-Anthony Towns.
Ang iba pang Dominicans na may NBA o G League experience sa katauhan nina Lester Quiñones (Golden State Warriors), Angel Delgado (Los Angeles Clippers), LJ Figueroa (Santa Cruz Warriors), at Eloy Vargas (South Bay Lakers).
Bagama’t dehado,kinakailangan ni Reyes at tropang Gilas ang kanilang A-game upang makasilip ng tsansang manalo.
“We have to be the best we can be and play our best game, [b]ut even if we play our best, it does not guarantee a win because that is how strong the other team is,” wika ni Reyes.
“The only thing sure is if we do not play our best, then we have no chance.” Ang game time sa hapon ay 8 n.g., matapos na magbakbakan ang ka-group A na Angola at Italy sa opener bandang 4 ng hapon.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA