
Mahigit 600 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula sa Zamboanga City Jail sa ilalim ng kanilang Paralegal Service Program.
Sa televised public briefing, sinabi ni Jail Supt. Xavier Solda na sa kasalukuyan ay mayroong 2,062 PDLs sa naturang pasilidad.
Inamin ng jail warden na siksikan ang mga preso sa Zamboanga City Jail subalit simula nang manungkulan siya noong Enero ay mahigit 600 na ang nakalaya mula sa piitan.
Samantala, ibinida rin ni Solda na 60 sa kanilang PDLs ang nakapagtapos ng elementarya habang ang iba ay grumadweyt mula sa high school.
More Stories
INILABAS NA TRAVEL ADVISORY NG CHINA VS ‘PINAS WALANG BASEHAN – PCG
ACIDRE KAY ROQUE: IMBES UMAPELA SA QATAR, TULUNGAN MGA NAARESTONG OFW
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE