PASIMUNO si FilAm Jordan Clarkson katuwang sina Scottie Thompson, Kai Sotto,June Mar Fajardo at AJ Edu upang ibaon ang Ivory Coast sa isang friendly game bago ang tunay na bakbakan sa 2023 FIBA Basketball World Cup sa Philsports Arena kahapon.
Tumikada si Clarkson ng 15 puntos sa kanyang unang pasiklab upang humawa sa homegrown Pinoys tungo sa 23 puntos na tambak sa katunggaling kalahok din sa quadrennial world cup.
Kumamada ng 13 puntos si June Mar Fajardo na namuno sa second quarter breakaway ng Gilas Pilipinas.
Dumikit ang Ivorians sa pagtatapos ng third period,53-60 pero na-outscore ng Filipinos ang kalaban sa final quarter 25-9 tungo sa kumbinsidong panalo ng Pilipinas.
Kuminang din sina Edu sa kanyang 12 puntos,gayundin sina Thompson at Sotto sa kanilang double digit performance.
Nag-ambag din sa panalo sina Dwight Ramos, Thirdy Ravena, Calvin Oftana, Ray Parks at fan favorite Rhenz Abando.
Bumirada naman ng tig-12 puntos sina Maxene Dadiet at Bazoumana Kone para sa losing cause ng Ivory Coast na lalaro naman sa Jakarta bilang bahagi ng Group C ka- bracket ang defending champion Spain, Brazil at Iran.
Dalawang tune up games pa ang haharapin ng Gilas Pilipinas bago sasabak sa FIBA WC sa Agosto 25, kontra Montenegro ngayon at laban naman sa Mexico bukas (Lunes).
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund