HANDA na ang SMC Infrastructure na ipatupad ang ang cashless at contactless payment system sa mga expressway na siyang muling isinusulong ng gobyerno. Ito’y alinsunod na rin sa kanilang pangako na magbigay ng tuloy-tuloy na biyahe at pagandahin ang experience ng mga motorista na gumagamit sa road networks na ino-operate nito.
Magsasagawa ang Department of Transportation (DOTr) sa pamamagitan ng Toll Regulatory Board (TRB) nito, ng dry run simula sa Setyembre 1 upang matukoy ang kahandaan ng concessionaries para sa mas maayos at episyenteng muling pagpapatupad ng Contactless Program.
“We support the DOTr’s and the TRB’s move to make toll collection purely cashless. We believe this move will significantly reduce traffic congestion and waiting times at toll plazas and contribute to a smoother and safer travel experience,” ayon kay SMC President and CEO Ramon S Ang.
Ayon sa infrastructure unit ng San Miguel Corporation, na nag-o-ooperate ng mga toll expressways sa Luzon, ay aalisin na muna ang mga cash lanes at susubukan ang contactless o cashless toll collection.
“Our teams are already installing and calibrating RFID scanners and related equipment. We will do everything necessary to ensure that the implementation will go smoothly. If in the course of the dry run period any adjustments have to be made, we will also be ready,” pagpapatuloy ni Ang.
Sa ilalim ng TRB-directed dry run, tanging mga sasakyan lamang na may aktibong Autosweep RFID account ang papayagan sa toll expressways ng SMC, na kinabibilangan ng South Luzon Expressway (SLEX) Southern Tagalog Arterial Road (STAR), Skway at-grade at Skyways 1,2,3; ang NAIA Expressways, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).
Ang mga motorista naman na walang aktibong RFID sticker ay papayagang makapasok, subalit didikitan ng RFID sticker ang kanilang sasakyan ng mga toll personnel kaya makakalabas sila sa electronic toll collection (ETC) lane patungo sa kanilang destinasyon.
Pipitikan laman ng larawan ng toll personnel ng plaka ng sasakyan at kukunin ang mobile phone number ng mga motorista. Kailangan lamang ng mga motorista na kompletuhin ang registration process.
Kakailanganin ng mga motorista na kompletuhin ang registration process sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba pang mahahalagang impormasyon sa Autosweep RFID website.
Samantala, tiniyak ni Ang sa mga motorista na ang Autosweep RFID ay mananatiling safe, secure at efficient electronic toll collection system, at araw-araw bukas ang kanilang customer service hotline upang matugunan ang mga concern ng mga motorista.
“Our motorists can always reach out to our customer service team to deal with any concern they have regarding their Autosweep accounts. We appeal to our motorists to report any problems they encounter to our help desk, immediately,” saad ni Ang.
Mas pinadali, pinaginhawa, at widely available ang paglo-load ng Autosweep RIFD account. Ito ay isang registered vendor sa mga panungahing mga bangko tulad ng Bank of Commerce, at kanilang respective online at electronic banking facilities. Maari ring gamitin ang E-wallets para magpa-load ng Autosweep RFID account, gayundin ang mga payment facilities ng major convenience stores sa buong bansa.
Nanatiling walang bayad ang pagpapalit ng hindi gumaganang RFID stickes bilang bahagi ng Autosweep commitment para suportahan ang full cashless transaction program ng TRB, dagdag ni Ang.
Samantala, ang mga motorista na hindi papayag kabitan ng RFID sticker ang kanilang sasakyan ay ire-record at ita-tag ang kanilang plaka, at maaring isyuhan ng violation tickets para sa obstructing traffic.
Matatandaang Agosto 13, 2020 pa nang ipalabas ng Department of Transportation (DOTr) ang cashless o contactless transactions upang maiwasan ang COVID-19 virus at mapagaan ang trapiko
More Stories
Christian Benedict Paulino, James Ang, unang ginto sa swimming, athletics
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo
DOST 1 DIRECTOR CHAMPION SA GENDER SENSITIVITY AT MAINSTREAMING SA ISPSC