December 19, 2024

PANLILIO: SBP, LOC, READY NA SA 23RD FIBA WC

WE are ready! Ito ang optimistikong pahayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas top brass Al Panlilio.

Sa idinaos na special edition ng Philippine Sportswriters Association ( PSA) Forum kahapon sa Meralco Theatre sa Pasig City,ibinida ni Panlilio ang kahandaan na ng bansa sa hosting ng 23rd FIBA World Cup magmula sa pagtanggap at akomodasyon ng mga delegasyong darating partikular ang mga pambato at superstar players ng mga nag-qualify na mga bansa sa bawat kontinente para sa quadrennial FIBA World Cup.

Gayundin ang kahandaan ng ating pambansang koponang Gilas Pilipinas para sa haharaping mga pinakamalaking laban kung saan ay unang makakatunggali sa opening game sa Agosto 25  ay ang powerhouse Dominican Republic na inaasahang magiging  record crowd sa Philippine Arena.

Sunod na makakaharap ng Gilas ang posibleng kayang  talunin na Angola sa Araneta Coliseum  pagkatapos ay  ang dambuhalang Italy.

Wish ni Panlilio at ng sambayanang Pilipino ang umiskor ng kahit dalawang panalo upang umusad sa sunod na round puntirya ang posibleng Olympic qualifying sa Paris na isa nang tagumpay nang maituturing.Sinabi naman nina Local Organizing Committee officials John Lucas at Erica Dy na halos ay nasa 95% nang makumpleto ang lahat ng dapat tapusin para sa paglarga ng ‘ biggest basketball show on earth”.

Arkilado ang aabot sa 400 na  buses na maghahatid sa mga basketball fans upang i-cheer ang Pilipinas at

Sa pinagsamang puwersa ng SBP,LOC,PSA,FIBA at lahat ng basketball – loving Filipinos,nakikinita na natin ang tagumpay ng hosting ng bansa at ang mabungang kampanya ng Gilas Pilipinas.

Ipinahayag din ni Panlilio na fit nang makalaro si Kai Sotto sa Gilas mula sa isasagawang friendly games between Mexico at Montenegro hanggang sa aktwal na bakbakan sa FIBA WC.

Ang pinaka-abangang   Team USA ay sa ibang bracket na-grupo.Magaling na rin ang injury ni Scottie Thompson at handa nang rumatrat sa FIBA.