Nadagdagan na naman ang lugar kung saan idineklarang persona non grata ang drag performer na si Amadeus Fernando Pagente na mas kilala bilang si Pura Luka Vega.
Ngayong Agosto 9, inilabas na ang desisyon sa umano’y resolusyon na ito ng Manila City na nangangahulugang hindi na umano welcome si Pura sa lungsod.
Sa ulat ni Diann Ivy C. Calucin ng Inquirer, si Fifth District Councilor Ricardo “Boy” Isip ang naghain umano ng naturang resolusyon na mabilis namang naaprubahan ng kanilang pamunuan.
“Ito pong taong ito ay walang habas at ‘di man lang pinag-isipan ang kanyang ginawa. Isang kalapastangan po ang kanyang ginawang palabas. ‘Di po dapat itong palagpasin kasi ‘pag pinalagpas natin ito, baka maparisan po ito. Kailangan na po nating gumawa ng aksyon,” ayon sa konsehal.
Ikaapat na ang Maynila sa nagdeklarang persona non grata kay Pura kung saan nauna na ang mga luagar tulad ng General Santos City, Floridablanca at maging sa Toboso sa Negros Occidental.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund