
NAWASAK ang walong nakaparadang sasakyan, kabilang ang isang bisikleta, nang magtumbahan ang mga poste ng Manila Electric Company (MERALCO) sa panulukan ng Quintin Paredes at Ongpin Streets sa Binondo, Manila.
Sa ulat ng Manila Police District-Station 11, dakong alas-1:00 ng hapon nang mangyari ang insidente.
Ayon sa barangay tanod na si Adrian Masangkay, napansin niya nang matumba ang isang malaking poste ng kuryente at ilang sandali pa ay nagsunuran na ang ilang sa mga kahilera nito.
Nagpadala ng team si Manila City Engineer Armand Andres para alamin ang nagging dahilan ng insidente at nakipag-ugnayan sa Meralco.
Sa kabutihang-palad, walang nasaktan sa nangyaring insidente pero nagdulot ito ng brownout sa ilang bahagi sa Binondo.
Habang isinusulat ang balitang ito, rumesponde ang mga tauhan ng Meralco para ayusin ang problema. ARSENIO TAN
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na