Patuloy si Senador Lito Lapid sa pagbibigay ng proyekto para sa edukasyon ng ating mga kabataan.
Nag-turn-over ang Senador kahapon (Aug. 2) ng tseke na halagang P40 million kay Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil para sa pagpapatayo ng apat na palapag na gusali na may 12 silid aralan sa Francisco Henson Elementary School sa Barangay Sta. Cruz, Porac, Pampanga.
Bilang isang high school graduate lamang, sinabi ni Lapid na gusto nyang mabigyan ng maayos na edukasyon ang mga kabataang estudyante dahil sila ang tanging pag-asa ng ating bansa.
“Sabi nga po ni Gat Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan dahil sila ang punong-puno ng enerhiya, talino at pagaasam na baguhin ang ating lipunan,” ayon kay Lapid.
Nagpapasalamat naman ang Senador sa tulong ng pamunuan ng PAGCOR sa pangunguna nina dati at kasalukuyang Chairman/CEO Andrea Domingo at Alejandro Tengco.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO