HINIRANG bilang ‘most valuable brand’ sa Pilipinas ang PLDT Inc. base sa independent 2023 study ng London-based business valuation and strategy consulting firm na Brand Finance.
Ayon sa kanilang pag-aaral, nagkaroon ng 2% annual increase ang brand value ng PLDT na nagkakahalaga ng $2.6 bilyon.
Dahil dito, ang PLDT na itinuturing na pinakamalaking integrated telco sa ating bansa, ay nakapag-ambag sa brand capturing sa fiber industry, na nagresulta sa 45% improvement sa year-on-year revenue.
Dinaig ng PLDT ang ibang brands sa telecommunication, banking at food service. Sinabi pa ng Brand Finance na malaking bahagi sa pangyayaring ito ay ang ginagawa ng PLDT na pagtutok sa mga makabagong inobasyon sa teknolohiya at serbisyo upang tumaas ang pagtangkilik ng mga kanilan mga customers na nagtulak sa bansa sa pagiging isang financial at technology hub.
Sa ulat pa ng Brand Finance, nagtala ang PLDT ng pinakamataas na Sustainability Perceptions Value sa lahat ng brands na nasa listahahan ng ranking nito sa $222 milyon.
Binanggit ng Brand Finance, ang paggamit ng PLDT ng carbon fiber technology para kanilang mga cell towers at deployment ng solar roof top panels ay nakatulong sa malaking pagbaba ng higit sa 137 tonelada ng greenhouse gas emissions.
“PLDT greatly appreciates the latest and prestigious recognition from Brand Finance for being conferred as the Most Valuable Filipino Brand this year. This inspires us more to continue providing the vital connectivity that powers our digital economy, enabling us to help transform the country into a globally competitive and digitally-empowered nation,” ayon kay Alfredo Panlilio, president at CEO ng PLDT at ang kanilang wireless subsidiary, Smart Communications Inc. (Smart).
“This recognition clearly shows that our efforts to proactively create brand loyalty, awareness, associations and maintaining international standard of our products and services among our stakeholders are paying off,” dagdag pa ni Panlilio.
Pinuri rin ng Brand Finance ang deployment ng carbon fiber cell site towers ng PLDT, na isang environmental initiative na naglalayong mabawasan na mapababa ang carbon dioxide ng 70%, sa halip sa paggamit ng tradisyunal na bakal sa mga steel tower. Ang mga carbon fiber towers ay hindi rin nagkokonsumo ng malaking espasyo ng lupain.
“We sincerely thank Brand Finance for this distinction—a testament to our ardent investments in the fiber industry and good corporate governance,” ayon kay Panlilio. Bilang suporta rin ng PLDT/Smart sa ating pamahalaan sa kanilang programa ng digitalization, sinabi ni Panlilio na handa silang tumulong sa gobyerno sa pagtulay ng tinatawag na ‘digital divide’. Ito ay isang mandato ng pribadong sektor sa ilalim ng Private Sector Advisory Council (PSAC) Digital Infrastructure group, kung saan si Panlilio ay kabilang sa mga founding member.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA