UMAPELA ang Bureau of Immigration (BI) sa mga pamilya ng aspiring overseas workers na itigil na nila ang pag-escort sa mga kaanak nila para lang magtrabaho sa scam syndicate sa ibang bansa.
Ito ang inihayag Commissioner Norman Tansingco matapos dumating ang pinakabagong batch ng mga repatriate mula Myanmar noong Hulyo 13 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sakay ng Philippine Airlines flight mula Bangkok.
Ang mga nasabing repatriates ay napilitang magtrabaho bilang mga online scammer sa Myanmar na ginutom, pisikal na inabuso at pinagbantaan pa ang buhay, maging ang isang biktima ay kinailangan pang magbayad ng 11,000 USD sa kompanya kapalit ng kanyang paglaya.
“This is already kidnapping and forced labor. What’s happening now is some of the worst kinds of trafficking we’ve seen. Apart from being trafficked and forced to work, they are made to become scammers as well,” saad niya.
Ayon kay BI spokeperson Dana Sandoval, ang mga biktima ay apat na babae at apat na lalaki, pawang nasa 20’s at 30’s ang edad at inasitehan ng NAIA Task Force Against Trafficking, National Bureau of Investigation at Overseas Workers Welfare Administration matapos ang immigration clearance.
“Of the eight victims, five were traveling with family members in the guise of going abroad for a vacation,” dagdag niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA