Dalawang babaeng politiko ang maaring magharap sa pagka-alkalde sa Maynila sa 2025.
Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng Agila ng Bayan, plano ni Senator Imee na tumakbong mayor sa naturang lungsod.
Ang napapabalitang plano ni Imee ay malaking hamon sa hangarin ni Manila Mayor Honey Lacuna na pamunuan ang siyudad para sa tatlong taon pa, habang tapos na termino ng presidential sister sa Senado sa 2025. Gayunpaman maari pa rin siyang maging
Ayon pa sa usap-usapan, isa sa mga dahilan umano ni Imee para targetin ang mayoralty post ay ang proximity to power nito. Dahil matatagpuan ang Malacañang at Luneta sa Maynila, ang local chief executive ay garantisado na maiimbitihan ang high profile events, tulad ng pagbisita ng world leaders at foreign diplomats.
May mga ulat na nabahiran ang relasyon ni Imee sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr dahil sa nagkaroon sila ng alitan ni First Lady Liza Araneta Marcos.
Ang Maynila ay itinuturing na sentro ng kalakalan at pulitika, at kung idedeklarang Mayor sa 2025, malaking impact ito sa political career ni Imee at siguradong magiging take off sa kanyang planong pagtakbo at manalo bilang pangulo sa 2028.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA