INANUNSIYO ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong Biyernes, Hulyo 17, na dalawang Charter Change (Cha-Cha) ang isinusulong ngayon ng League of Municipalities na binubuo ng mga mayor sa buong bansa.
Kabilang na rito ang institutionalization ng tinatawag na Mandanas ruling ng Korte Suprema sa internal revenue allotments (IRA) ng mga local government units, gayundin ang pagtanggal ng restriction sa foreign investment sa pagnenegosyo sa bansa na kasalukuyang ay limatado sa mga Filipino?
Seryoso?
Hindi ba dapat atupagin muna ng pamahalaan ang pagsugpo sa salot na COVID-19 at kung papaano matutugunan ang pangangailangan ng mga Filipinong nawalan ng trabaho dahil sa pandemya keysa unahin ang Cha-Cha na isinusulong ng nasabing liga sa pangunguna ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis “Chavit” Singson?
Kailangan ngayon ng mga lokal na pamahalaan na madagdagan ang kanilang pondo at mapalakas ang kanilang awtonamiya upang magampanan pa ang kanilang tungkulin, subalit may ibang pamamaaraan na maaring gawin upang sa gayon maisakatuparan ito sa halip na isulong ang Cha-Cha.
Ang pinakamabilis at matipid na paraan para mapalakas ang mga LGUs ay i-lobby sa Kongreso ang amendment sa Local Government Code.
Hindi na kailangan pang gumastos para sa constitutional reform agenda at ang pera na dapat gagamitin dito ay mas mainam na ilaan na lang sa pagbili ng mga personal protective equipment, gamot sa may sakit at ayuda sa nagugutom. Isama na rin dito ang mga maliliit na negosyo na apektado ng COVID-19.
Unahin ninyo munang sugpuin ang COVID-19 pandemic kaysa sa Cha-Cha.
More Stories
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino