November 17, 2024

PH TOURISM, INCOMPLETE ‘PAG WALA ANG MAYON – SALCEDA


Matapang na inihayag ni Albay 2nd district Rep. Joey Salceda na incomplete ang Philippine tourism kung wala ang iconic na Mayon Volcano ng lalawigan.

“EVERYONE LOVES MAYON. PHILIPPINE TOURISM IS INCOMPLETE WITHOUT MAYON VOLCANO,” mababasa sa caption ni Salceda sa kanyang Facebook na naka-all caps.

Umalma kasi si Salceda sa hindi pagsama sa Mayon Volcano sa bagong official tourism video ng Department of Tourism.

Sinabi rin ng dating three-term provincial governor na, “”ALBAY WILL ALWAYS THRIVE,” bago siya magbitaw ng hashtags na #LOVEALBAY , #LOVEMAYON , #AlbaySagcodPaman , at #AlbayForever.

Ang bagong slogan ng DOT para sa turismo ng Pilipinas ay “Love the Philippines”.

Kasama rin sa post ni Salceda sa Facebook ang 13 facts kung bakit ang Mayon ay isang icon sa Pilipinas.

“Mayon Volcano is in the Guiness World Records for being the ‘Most Conical Volcano’ on Earth,” mababasa sa listed facts.

“MAYON IS A TOURISM STAR. It is famous around the world, attracting millions of tourists every year, both local and foreign making Albay as one of the major tourist destinations in the Philippines. It was even visited personally by the Secretary General of United Nations World Tourism Organization (UNWTO) Taleb Rifai when Albay hosted thr UNWTO and ASEAN Summit in 2014,”  dagdag pa nito.

Ilang araw ang nakalilipas, umalma si Salceda kay DOT Secretary Christina Frasco sa hindi pagkakasama ng Mayon sa promotional video at pagrepresenta sa naturang bulkan bilang aniya na ‘pixel’ lamang sa Love the Philippine logo ng ahensiya.