Hinimok ni Sen. Grace Poe ang mga driver ng public utility vehicles (PUV) na samantalahin ang pagkakaton para muling mahasa ang kanilang kaalaman sa kalsada sa pamamagitan ng pagkuha ng “Tsuper Iskolar Program” na puwede nang ma-avail online.
“Similar to a vehicle’s maintenance, there needs to be a constant check on the driver’s competency and awareness on road safety,” saad ni Poe.
“The training will brace our drivers for lifetime of safer driving,” dagdag ng chairperson ng Senate committee on public services.
Sa 2023 budget, itinulak ni Poe para pondohan ng P100 milyon ang Tsuper Iskolar Program para sa PUV driver at P100 milyon naman sa “ExTsuperneur Program” para sa mga motorista na gustong matututo ng bagong skills o kabuhayan.
Ang drivers’ course ay ipinatutupad ng Department of Transportation (DOTr) sa pamamagitan ng Land Transportation Office at Technical Education Skills and Development Authority o TESDA.
Ang entrepreneurship program ay sa ilalim ng DOTr sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Libre ang naturang training.
Ayon sa senador, ang scholarship program ay mas accessible na ngayon dahil maari nang mag-apply online. Pupuwede ring magpunta ang mga aplikante sa mga regional offices ng ahensiya para makapag-training.
“There will always be a demand for PUV drivers to transport the public and goods, and for entrepreneurs who will push our industries forward, thus, the need for effective training and guidance,” ayon kay Poe.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA