November 24, 2024

4 NA TARANTULA NA IDINEKLARANG ‘SNACKS – SWEET SALTED FISH’ NAKUMPISKA NG CUSTOMS-NAIA

Naharang ng mga operatiba ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang mga Tarantula na walang kaukulang permit mula sa DENR na idineklara bilang “Snacks – Sweet Salted Fish” sa Central Mail Exchange Center (CMEC) kahapon.

Ang sender ng outbound parcel ay mula sa Caloocan City na dadalhin sana sa Seoul, Korea sa pamamagitan ng Express Mail Service ng Philippine Postal Corporation

Dadalhin sana ito sa Seoul, Korea sa pamamagitan ng Express Mail Service ng Philippine Postal Corporation (PhlPost).

Sa pamamagitan ng pinaigting na x-ray screening ng mga operatiba ng X-Ray Inspection Project (XIP) ay nakitang kahina-hinala ang laman ng parcel base sa lumabas na imahe.

Sinuri ang package sa pakikipag-ugnayan ng mga operatiba mula sa Enforcement and Security Service – Environmental Protection and Compliance Division (ESS-EPCD) at Department of Environmental and Natural Resources (DENR) sa NAIA.

Sa lumabas na pagsusuri ng mga examiner, napag-alaman na mayroon itong laman na apat na tarantula na malinaw na paglabag sa RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Agad na itinurn-over sa DENR ang nasabing mga tarantula para sa safekeeping at monitoring.