MAGANDANG balita kung sabay na maglalaro para sa Gilas Pilipinas sina naturalized Pinoy players Jordan Clarkson mula NBA at Justin Brownlee mula PBA.
Pero kung isa lang sa kanila ang maaring maglaro para sa bansa na sasabak sa papalapit nang FIBA World Cup na ihu-host ng bansa at co- hosts ang Japan at Indonesia depende sa desisyon ng FIBA ay isang napakahirap na desisyon kung sino sa kanila ang pipiliin ng kinauukulan para sa national team.
Isa sa milyong basketball- loving Pinoy na si COCOLIFE SVP Joseph Ronquillo ang naghahangad na maging malakas at palabang koponan sa FIBA WC ang Gilas Pilipinas kontra sa mga pinaka-magagaling na bansa sa mundo.
Top choice niya si Clarkson dahil ang tulad niyang world caliber sa basketball ang dapat magpalakas ng husto sa pambansang koponan para pwedeng pantapat laban sa makakalaban mula Europe, Africa, at Latin America.
“Iba pa rin kasi pag andiyan si Jordan( Clarkson) dahil world caliber ang antas ng mga laban.Iyong mga non- Americans sa NBA ay lalaro sa kani- kanilang bansa kaya marapat lang na andito siya para giyahin ang bansa sa World Cup”, pahayag ni Ronquillo.” Mas okey sana kung maaprubahan ng FIBA na makalaro si Brownlee bilang local player ng Gilas.”
Subok kasi aniya ang husay at dedikasyon ng Ginebra frontliner na si Brownlee na siyang instrumental sa pagbawi ng gintong medalya sa SEAGames at ang malaking puso niya upang daigin sa kampeonato ang powerhouse team Bay Area mula China sa nakaraang PBA Invitational.
Makakaharap ng Gilas Pilipinas sa early round ang ka-bracket na Angola,Italy at Dominican Republic .
Ang super powerhouse ng USA ,mga karibal na Spain at mga national teams ng nabuwag na USSR ay sa ibang bracket napasabak at ang iba ay sa Japan at Jakarta ang laban.
Inilabas na ang talaan ng national team ng Pilipinas at kung sakaling maaprubahang sabay na lalaro ang dalawa ay may tulog sila sa ating mga pambato….
ABANGAN!
Ang Cocolife sa pangunguna ng Presidenteng si Jose Martin Loon,SVP Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque ay komprehensibong sumusuporta sa basketball program nationwide tulad ng malawakang mga torneo sa grassroot level,scholastic at collegiate cage program tungo sa pagtuklas ng talento patungong bigtime basketball na PBA at Gilas Pilipinas.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag