HINDI pinayagan makapasok ng Pilipinas ng mga immigration officer na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang registered sex offenders (RSO).
Kinilala ang dalawang dayuhan na sina Donell English at Brandon Todd Killen, kapwa American nationals, na magkasunod na hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Hunyo 6 at Hunyo 8.
Nabatid na agad na inalerto ang mga operatiba ng BI sa NAIA nang dumating ang dalawang dayuhan sa NAIA kung saan natuklasan na pawang sex offenders ang mga ito sa US.
Ayon sa BI, mahigpit ang ipinatutupad na pagsisiyasat sa mga papales at dokumentong ipinapakita ng mga pasaherong dayuhan at lokal na aalis at darating sa bansa.
“Our IOs will expeditiously process the arrival and departure but at the same time check the purpose of the travel,” ayon sa BI
Nagpapatupad din masusing pagsusuri sa mga pasahero na napakahalaga sa pangangalaga sa bansa laban sa mga banta ng terorismo, human trafficking, at transnational crimes.
Ang desisyon ng BI na tanggihan ang pagpasok ng mga dayuhang may kasong kinasasangkutan ay sumasalamin sa pangako ng gobyerno sa pagtataguyod ng pinakamataas na pamantayan ng seguridad at moralidad.
Ang mga sex offenders ay nagdudulot ng malaking panganib sa lipunan, at ang pamahalaan ay nananatiling matatag sa mga pagsisikap na pigilan ang kanilang pagpasok sa bansa.
Sa datos ng BI, nasa 75 registered sex offenders ang napigilang makapasok sa bansa mula Enero hanggang Mayo ngayong taon. ARSENIO TAN
More Stories
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON