December 20, 2024

MGA PAALIS NA PASAHERO, PINAALALAHANAN NG BI NA MAG-CHECK-IN BAGO ANG KANILANG FLIGHT

Nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga pasahero na magcheck-in tatlong oras bago ang kanilang flights.

Kasunod ito ng pagtaas ng 10% ng volume ng mga pasaherong dumadagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pinapayuhan din ang mga pasahero na agad na dumerecho sa pila para sa Immigration inspection.

Layon nito na matiyak na hindi sila mahuhuli sa kanilang flights lalo na’t limitado lamang ang pasilidad sa paliparan ng bansa.

Ipinaliwanag din ng BI na ang bawat Immigration officer anila ay nagpoproseso ng 247 pasahero sa sampung oras shift.

Patuloy rin anila ang kanilang pagkuha ng bagong mga tauhan para i-deploy sa iba pang international airports sa Pilipinas.