SINAMPAHAN ng kasong plunder, malversation at graft sa Office of the Ombudsman ni Oscar Pospia Jr., residente ng Surigao del Norte, si dating Surigao del Norte Gov. Francisco Matugas dahil sa umano’y hindi makatarungan na paggamit ng rehabilitation at provincial disaster management funds na nagkakahalaga ng P60 milyon para sa mga biktima na sinalanta ng Bayong Odette noong 2021. Ayon sa reklamo, imbes na gamitin ang pondo para sa mga biktima ng bagyong Odette sa kanyang lalawigan, illegal na inilipat ang P60 milyong pondo sa Department of Education (DepEd) para ipambili ng story books ng mga bata. (Kuha ni ART TORRES)
More Stories
Gatchalian: Mga out-of-school children at youth ibalik sa mga paaralan
DANIEL PADILLA, POKUS MUNA SA TRABAHO AT NEGOSYO
Buwisit na mga netizens sa galit-bati drama… SHARON AT KC, NOON PA NOT IN GOOD TERMS