December 20, 2024

Breanna Labadan sinelyuhan ang ticket sa world RG championships

NAPITAS ni Breanna Labadan ang isang tiket upang selyuhan ang kanyang pagbabaliksa world championships kahapon sa kanyang  solidong performance sa individual   all-around finals ng 14th Rhythmic Gymnastics Asian Championships  sa Ninoy Aquino Stadium.   

Ang 16- anyos na si Labadan ay naka-rekober mula sa  shaky hoops outing upang itala ang malakas na tapos sa kabuuang  likom na 110.40 puntos  sa kumpetisyong  inorganisa ng   Gymnastics Association of the Philippines at suportado ng Philippine Sports Commission.

Ang 5’2′ Pinay bet ay umiskor ng 26.10 sa hoops,29.40 naman sa  ball event plus,28.30 at 26.45 sa clubs at ribbons ayon sa pagkakasunod.Tumapos ng 4 rings na mas mataas sa nakaraang 2022 edisyon na ginanap sa Pattaya,Thailand.

  Napanatili ni Takhmina Ikhromova ng Uzbekistan sa kanyang 132.20 puntos sa individual all around crown .Sumegunda si Eizhena Taniyeva ng Kazakhstan at tersera naman si Wang Zilu ng China(121.80)sa torneong may basbas ng Asian Gymnastics Union.

“Although I could have done better,I am nevertheless happy with the outcome of my performance so I can return to the worlds,” sambit ni Labadan na nag-perform sa unang pagkakataon sa harap ng kayang enthusiastics na hometown crowd.

“We would like to congratulate Breanna for her top ten finish in the individual all around finals and hopefully she will be able to do better in the ball finals,” pahayag ni GAP president Cynthia Carrion. Ang finals sa ball event ng timpalak na sinuportahan din ng Milo,Pocari Sweat at Summit Water ay lalarga ngayong ika- 10 ng umaga.