September 27, 2024

SEA Games medalists… BUBUHOS ANG BAMBOL BONUS

YULO

MAGILAS na naiwaksi at nasapawan ang maliit na mali sa ribbons event upang tuluyang umusad sa finals si Breanna Labadan sa krusyal na stage ng  14th Senior Rhythmic Gymnastics Asian Championships qualifiers kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Umabante si  Labadan  sa finals ng dalawang  events – ang  individual all-around at ang  ball – sa kumpetisyong  inorganisa ng Gymnastics Association of the Philippines.

Ang 16-anyos na si Labadan na galing sa training sa Hungary ay nakatapos ng pang- anim pangkalahatan sa  individual all-around qualifiers sa kanyang suma total na 107.90 points, kabilang ang  the clubs (24.45) at ribbons (28.65)  sa torneong suportado ng   Philippine Sports Commission.

Ang pride ng  Butuan, Agusan del Norte ay napabilang sa  18  atleta na sasabak  sa  all-around finals simula ngayong  ika-10  ng umaga ss timpalak na may basbas ng  Asian Gymnastics Union at inendorso ng   Taisan and Pastorelli.

Si Labadan na  bronze medalist nitong 32nd Cambodia Southeast Asian Games ay umiskor din ng  28.20 points upang makopo ang ikawalo at huling tiket ball event ng  apparatus finals   sa pagtatapos ng apat na araw na kumpetisyong sinuportahan din ng  Milo, Pocari Sweat at Summit water bukas.

“A top 10 finish for Breanna will likely secure a ticket in the world championships in Valencia, Spain in August,” sambit ni competition manager Anna Carreon, “so we are praying she will do well tomorrow.”

“We would like Breanna for her splendid performance and we are all praying that she really does excel in the finals tomorrow of both of her events to make our country even more proud of her,” pahayag naman ni GAP president Cynthia Carrion.

“If we can fill the Ninoy Aquino Stadium tomorrow when Labadan competes, I believe she will be more encouraged to perform better,” ani pa  Carrion kasabay ng panawagang i- cheer si Labadan ng  hometown crowd upang mas.tumaas ang kanyang adrenaline sa pagbigay ng karangalan sa bansa.

 Hindi naman pinalad mag-qualify ang isa pang pambato ng Pilipinas na si Daniela dela Pisa na nagsumite ng puntos  sa clubs at ribbons na di abot sa qualfying standard upang mapatalsik sa kontensiyon ang 30 th  SEAGames Philippines 2019 gold medalist.