
Natupad na ang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na tatlong mahahalagang panukala ang maipapasa sa Senado ngayon linggo.
Mula sa simula ng sesyon, alas-3 ngayon hapon, naipasa na sa 3rd and final reading ang Trabaho para sa Bayan Bill, ang Regional Specialty Centers Act at ang Estate Tax Amnesty Extension.
Si Senate Majority Leader Joel Villanueva ang nag-sponsor ng Trabaho para sa Bayan Bill at paliwanag niya ay layon nito ay mapasigla ang ekonomiya ng bansa, maging sa lokal na antas.
Bukod pa dito, dagdag ni Villanueva, ang panukala ang magpapalakas sa micro, small and medium enterprises (MSMEs), upskilling ng mga manggagawa, magbibigay insentibo sa mga employer, magbibigay trabaho sa mga kabataan, gayundin ang magiging daan para “reintegration” ng overseas Filipino workers (OFWs).
Layon naman ng Regional Specialty Centers ang pagpapatayo ng “specialty center” sa bawat regional DOH hospital ;para sa mga may sakit sa baga, bato puso, kanser at iba pa.
Sina Zubiri at Sen. Christopher Go, ang namumuno sa Committee on Health, ang nag-sponsor ng panukala.
Samantala, kapag naging ganap na batas, bibigyan ng karagdagang taon ang mga may utang sa estate tax.
Ang ipinanukalang estate tax amnesty ay hanggang Hunyo 14, 2025 at ito ay inisponsoran nina Zubiri at Sen. Sherwin Gatchalian, ang namumuno naman sa Committee on Ways and Means.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na