ITINAAS ng State weather bureau PAGASA ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa Cagayan at Isabela habang napanatili ng bagyong “Betty” ang lakas nito na patuloy na kumikilos pakanluran hilagang kanluran.
Huling namataan ang sentro ng super typhoon Betty sa layong 1,170 km sa silangan ng Central Luzon.
Ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ay nakataas sa mga lugar na ito:
Silangang bahagi ng Cagayan – Santa Ana
– Gonzaga
– Lal-Lo
– Gattaran
– Baggao
– Peñablanca
– Santa Teresita
– Buguey
– including Babuyan and Camiguin Islands
Silangang bahagi ng Isabela
– Maconacon
– Divilacan
– Dinapigue
– Palanan
– San Mariano
– Ilagan City
– Tumauini
– San Pablo
– Cabagan
Ayon sa PAGASA tinatayang mananatiling super typhoon si “Betty” ngayong weekend.
“On Monday, the tropical cyclone will turn northwestward and decelerate as it moves over the waters east of Extreme Northern Luzon. Betty may eventually become almost stationary between late Tuesday and early Wednesday when it will be closest to Batanes,” dagdag nito.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW