
Dead on the spot ang magtiyuhin at himala na nakaligtas at nasugatan ang isa pa nang tamaan ng kidlat habang nagpapatila ng ulan sa isang kubo sa Samal, Bataan.
Nakilala ang mga nasawi na sina Kevin Sacriz, 22 at tiyuhin na si Elvin Sacriz, 26 anyos.
Masuwerteng hindi napuruhan at mabilis na isinugod sa pagamutan ang sugatan na si Edizer Sacriz, ama ni Kevin.
Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) naganap ang insidente sa Barangay Palili, Samal, Bataan. Katatapos lamang magtrabaho sa bukid ang mga biktima at papauwi na sana sa kanilang bahay nang tamaan sila ng kidlat.
More Stories
Torre, kauna-unahang PNPA alumnus na naging PNP Chief
Mga nakatira sa ilalim ng tulay sa Ortigas, winalis ni Mayor Kit Nieto
Desisyon ng Pangulo na itigil pansamantala ang EDSA rehab, suportado ng San Juan City