January 19, 2025

Motorsiklo nabangga ng kotse, rider dedbol

Photo credit to Meriam Sales Maniago

PATAY ang isang rider matapos mabangga ng kotse na nag-counter flow ang minamaneho niyang motorsiklo sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Quezon City Medical Hospital sanhi ng tinamong pinasala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Mhark Asentista Sales, 37, chief mechanic at residente ng 72 Ph 9 Blk 2 Payatas Quezon City.

Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property ang driver ng Mitsubishi Mirage na may plakang (NEE-3447) na si Jerric Ampalo, nasa hustong gulang ng 277 Carriedo St., Muzon San Jose Del Monte Bulacan.

Batay sa report ni PCpl Joemar Panigbatan kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Mc-Arthur Highway sakay ng kanyang Suzuki raider patungong Monumento Circle, Caloocan City.

Pagsapit sa kanto ng Calli Kwatro Brgy. 78, dakong alas-2:00 ng madaling nang mabangga ang biktima ng kotse na minamaneho ng suspek na dapat ay patungong Monumento Circle subalit, nag-counter flow umano ito.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima sa simentadong kalsada na naging dahilan upang agad na isinugod ng rumespondeng ambulansya ng Caloocan DRRMO sa Caloocan City Medical Center (CCMC) subalit, inilipat din ito sa QCM Hospital kung saan siya binawian ng buhay.

Sumuko naman sa pulisya ang driver ng kotse na dinala sa CCMC para sa medical at physical examination kung saan positibo siya sa alcoholic breath base sa kanyang medical certificate.