Inaprubahan ng House of Representatives nitong Martes sa ikalawang pagbasa ang panukalang naglalayong palawigin ang estate tax amnesty period sa loob ng dalawang taon, o hanggang 2025.
Nakapaloob sa House Bill No. 7909 na pangunahing iniakda ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, na palalawigin hanggang June 2025 ang Estate Tax Amnesty na mapapaso sa June 14, 2023.
Sa ilalim ng panukalang batas, sa loob ng two-year extended period para sa estate tax amnesty, maaring maghain ang executor, administrator o legal heirs ng estate tax amnesty at magbayad ng tax amnesty sa revenue district offices ng Bureau of Internal Revenue.
Sakop ng tax amnesty ang ari-arian ng mga yumao na namatay noon o bago ang Disyembre 31, 2017 hanggang Disyembre 31, 2021.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON