GINIYAHAN ni Gymnastic ace Carlos Edriel Yulo ang national men’s squad sa panibagong runner-up finish habang napanatili niya ang kanyang
individual all-around crown sa pagsambulat ng gymnastics competitions ng 32nd Cambodia Southeast Asian Games sa Phnom Penh kahapon.
Sumandig sa matinding scores sa floor exercise (14.350), vault (15.00), parallel bars (14.00) at rings (14.150) upang sapawan niya ang mahinang puntos sa pommel horse (12.650) at high bar (12.90), nalikom ni Yulo best individual tally na 84.00 points.
Malaki ang agwat ng Pinoy phenomenal gymnast sa karibal na Vietnamese Thang Tung Le at Phung Tanh Dinh, na tumapos ng silver at bronze ayon sa pagkakasunod.
Kaagapay naman ni Yulo sa men’s team silver(302.50 points) sina Yulo Juan Miguel Besana (73.70), Jan Gwyn Timbang (71.90), John Ivan Cruz (62.050) at Justine Ace de Leon (60.250).
Pero madaragdagan pa ni Yulo sa kanyang koleksiyon ayon kay gymnastics secretary general Rowena Bautista, ang natioal team manager.
Ang apparatus finals ay magsisimula ngayong 2 n.h.(3 n.h.sa Manila) sa floor exercise, pommel horse at rings.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY