
SUGATAN ang dalawang katao habang nasa 30 pamilya naman ang nawalan ng tirahan makaraan ang naganap na sunog sa Caloocan City, Biyernes ng gabi.
Kinilala ni Caloocan Bureau of Fire Protection (BPF) chief F/Supt. Jeffrey Atienza ang mga nasugatan na sina Jolan Olino, 29, na nagtamo ng paso sa kanang kamay at Aron Lebanon, 19, na nagtamo naman ng hiwa sa kanang paa.
Ayon kay Supt. Atienza, dakong alas-10:51 ng gabi nang magsimula ang sunog sa bahay sa No. 158 Cinamie St., Alley 2, Brgy. 38 at mabilis na kumalat ang apoy sa katabing mga kabahayan.
Mabilis namang rumesponde sa naturang lugar ang mga tauhan ng pamatay sunog para apulahin ang apoy kung saan idineklarang undercontrol ng BFP ang sunog dakong alas-11:55 ng gabi.
Tuluyan namang naapula ang sunog ganap na ala-1:27 ng madaling araw kung saan dalawa ang napaulat na nasugatan habang wala namang nasawi sa insidente at nasa 25 kabahayan ang tinupok ng apoy.
Tinatayang naman nasa P500,000 halaga ng ari-arian ang napinsala sa insidente habang inaalam pa ng BFP ang naging sanhi ng sunog.
More Stories
DELA ROSA SA PNP: SA HALIP MAKISAWSAW SA PULITIKA, PAGTAAS NG KASO NG KIDNAPPING TUTUKAN
PANGUNGUNA NI VP SARA SA SURVEY WALANG EPEKTO SA IMPEACHMENT TRIAL – REP. LUISTRO
ROQUE, MAHARLIKA KINASUHAN NG NBI DAHIL SA POLVORON VIDEO