SHOOT sa selda ang isang lalaki matapos maaktuhan na ninanakaw ang mga parcel na denideliver ng isang shopee delivery rider sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang naarestong suspek na si Philip Fernandez, 36 ng Blk. 37, Lot 6, Maya Maya St., Brgy. NBBS Dagat-dagatan, na nahaharap sa kasong paglabag sa RPC, Article 293 (Robbery).
Sa ulat ni PSSg Reysie Peñaranda kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, habang nagdedeliver ang biktimang si Aiz Hapin, 22, ng Valenzuela City at kapwa delivery rider na si Leonil Iliw-Iliw, 33, ng mga parcel sa Martiniko St., Brgy., NBBS Dagat-Dagatan, Navotas City dakong alas-3:30 ng hapon nang makita niya ang suspek na nakayo sa tabi ng kanyang motorsiklo at kinukuha ang mga delivery items niya.
Agad tumakbo ang biktima papunta sa suspek saka kinumpronta niya ito subalit, nagalit ang kawatan at naglabas ng ice pick habang tinangka naman umawat ng saksi ngunit tinutukan sila ng ice pick ni Fernandez.
Minura ng suspek ang dalawa saka pinagbantaan na sasaksakin kapag lumapit sila bago mabilis na tumakas patungong Lapu-Lapu Avenue dala ang ninakaw na mga items.
Hinabol ng biktima at saksi ang suspek hanggang sa makahingi sila ng tulong sa mga tauhan ng Kaunlaran Police Sub-Station 4 ng Navotas police na nagpapatrolya sa lugar na nagresulta sa pagkakadakip kay Fernandez kung saan nabawi sa kanya ang tinangay na tatlong parcels na nasa P3,000 ang halaga at isang ice pick.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY