ARESTADO ang tatlong teenager, kabilang ang nasagip na menor-de-edad matapos maaktuhan humihithit ng marijuana sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek na sina Jhon Louies Getalado, 18, ng Brgy. Longos, JM Jaime, 19, ng Brgy. Tonsuya at ang nasagip na menor-der-edad na si alyas “Totoy”.
Ayon kay Col. Daro, habang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 5 ng Malabon police sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Rommel Adrias sa Gumanela St., Brgy. Longos dakong alas-3:00 ng madaling araw maaktuhan nila ang mga suspek na humihithit umano ng marijuana.
Kaagad inaresto ng mga pulis ang mga suspek at nakumpiska sa kanila ang dalawang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng abot 1.87 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P224.40 ang halaga at drug paraphernalias.
Ani PSSg Kenneth Geronimo, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang tinurn-over naman sa pangangalaga ng CSWD ang nasagip na menor-de-edad.
More Stories
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI
NAT’L SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK GAGANAPIN SA CAGAYAN DE ORO CITY
PH, US LUMAGDA SA INTEL SHARING AGREEMENT