WALANG piyansang inialok si Presiding Judge Gener Gito, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 206 ng Muntinlupa City, sa inisyu niyang warrant of arrest laban kay dating Bureau of Correction (BuCor) director general Gerald Bantag at former Deputy Security Officer Ricardo Zulueta.
Inilabas ang warrant of arrest laban sa dalawa ni Presiding Judge Gito, dahil sa pagkamatay ni Jun Villamor, ang ‘middleman’ na kumontak sa mga tao para patayin ang broadcaster na si Percy Lapid.
Matapos ang pamamaslang, sumuko sa mga awtoridad ang self-confessed gunman sa umano’y krimen na si Joel Escorial at ininguso ang kanyang mga kasabwat na bahagi umano sa pamamaslang.
Dahil sa pagkamatay ni Lapid nabunyag ang sistema sa loob ng NBP kung saan ilang bilanggo ang nasangkot sa nasabing kaso.
Kabilang sa mga sangkot dito ay si Villamor, na pinaniniwalaang middleman sa pagitan ng umano’y mastermind at mga salarin.
Pero noong Oktubre 20, 2022, ibinunyag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na namatay si Villamor sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa.
Ayon unang autopsy sa katawan ni Villamor na isinagawa ng National Bureau of Investigation na namatay ang nasabing PDL na walang senyales ng external physical injury.
Gayunpaman, sa ikalawang autopsy na isinagawa ni forensic pathologist Dr. Raquel Fortun, nabunyag na namatay si Villamor matapos isupot ang ulo gamit ang plastic bag. Kasabay ng pagkamatay ni Villamor ang pagsuko ni Escorial ng eksaktong araw.
Noong Nobyembre 2022, inihayag ni Escorial na isang nagngangalang “Bantag” ang nag-utos sa kanila para patayin si Lapid at sinabihan siya na kung mahuhuli ay huwag ibunyag na si Bantag ang nagbigay ng utos.
Noong Nobyembre 7, 2022, naghain ang mga awtoridad ng magkahiwalay na murder complaints laban kina Bantag, Zulueta at iba pang PDLs sa justice department kaugnay sa pagkamatay ni Lapid at Villamor.
Marso 14, 2023, kinasuhan ng DOJ procecutors si Bantags at iba pa kaugnay sa dalawang pagpatay. Inahain ang kasong murder sa RTCs ng Las Piñas at Muntinlupa City. Nabanggit ng DOJ ang huridiksyon kung saan nangyari ang offenses: pagpatay kay Lapid sa Las Piñas at pagkamatay ni Villamor sa Bilibid.
More Stories
DATING ALBAY GOV. NOEL ROSAL DISQUALIFIED – COMELEC
Recto: Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024
WOLVES SINAGPANG ANG DALLAS