NAGPUPUYOS sa galit ang ilang senior citizens at mahihirap nating kababayan sa Taytay, Rizal sa ‘kademonyahan’ na pagbili umano ng ‘overpriced’ na bullet proof curtain ng administrasyon ni Taytay Mayor Allan de Leon.
Nitong kamakailan lang ay ibinisto ng Facebook page na Taytay Secret Files ang mga resibo at disbursement vouchers ng mga pinagbibili na overpriced na furniture at fixtures sa tanggapan ng Office of the Mayor – kasama na ang overpriced na bullet-proof curtain na pirmado ng alkalde.
Mababasa pa sa post ng Taytay Secret Files na matapos mabulgar ang mga sikretong itinago ng ilang opisyales sa likod ng mga hindi pinag-isipang gastos sa pondo ng bayan ay kasunod naman ng ‘balasahan’ sa mga regular at job order employees sa Munispyo upang maiwasan na maisiwalat umano ang mga maanomalyang disbursement sa kaban ng bayan.
Sa larawang ipinoste ng Taytay Secret Files, nagkakahalaga ang bullet proof curtain ng P179,000 sa disbursement voucher gayong mabibili lamang ito sa halagang P45,000 sa Lazada.
Napag-alaman din dito na dati nang ginamit ni Mayor De Leon ang nasabing bullet proof curtain noong siyang Chairman pa lamang ng Barangay Dolores, Taytay, Rizal at noong 2022 election, saka muling ibinenta umano sa Munisipyo.
“Patuloy kaming naghihirap, habang sila’y patuloy ang paglustay sa kaban ng bayan at pagpapakasarap,” ayon sa ilang residente ng nasabing bayan na ayaw ipabanggit ang kanilang pagkakilanlan.
“Nag-aaksaya sila ng pera sana ay ginastos na lamang sa makabuluhang proyekto at programa gaya ng senior citizen cash gift at financial assistace para sa mga lumalapit sa MSWD Office. Hindi ‘yung P300 lang ibinibigay ng inyong tanggapan,” dagdag pa ng mga ito.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO