KULUNGAN ang kinabagsakan ng dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang lola matapos maaktuhan ng mga pulis na nagtatransaksyon ng ilegal na droga sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina Eduardo Vicente Jr, 41 ng Blk 22, Lot 9-E, Roque Ville Bagumbong Brgy., 171, at Marita Quiano, 66 ng Tagumpay St., Brgy., Gulod Quezon City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Penones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na habang nagsasagawa ng Oplan Gulagad ang kanyang mga tauhan dakong alas-11:30 ng gabi nang isang concerned citizen ang lumapit at ipinaalam sa kanila ang hinggil sa nagaganap na illegal drug activities sa Zabarte Road, Brgy., 172 kaya agad itong pinuntahan ng mga pulis.
Pagdating sa nasabing lugar, naaktuhan ng mga pulis ang dalawang katao na nagtatransaksyon ng ilegal na droga subalit, nang kanilang lapitan at nagpakilalang mga pulis ay tumakbo ang mga suspek.
Hinabol sila ng mga pulis hanggang sa maaresto at nakumpisma sa mga suspek ang tig-isang transparent plastic sachet na naglalaman ng aabot 3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P20,400.00.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW