November 25, 2024

2 katulong, kasabwat kulong sa pagnanakaw ng P300K halaga ng alahas

INARESTO ng pulisya ang dalawang kasambahay at kanilang kasabwat matapos ireklamo ng pagnanakaw ng mahigit P.3 milyon halaga ng mga alahas sa isang negosyante sa Malabon City.

Kinilala ang mga inarestong suspek na sina Gina Castillo, 21, ng No. 1530, Sampaguita Street, Malaria, Caloocan City, Vivian Delabajan, 27 ng Montalban, Rizal at Keir Tamayo, 22, advertising Staff ng No. 28, Pearl Street, corner Winston, Street, East Fairview, Quezon City.

Sa ulat nina PSSg Bengie Nalogoc at PCpl Rocky Pagindas kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, kapwa katulong ng negosyanteng si Ma. Victoria De Guia Laguatan, 42, si Castillo at Delabajan kung saan noong March 25 dakong alas-9:00 ng umaga ay hindi niya nakita ang dalawa sa kanyang bahay sa No. 107, P. Aquino Avenue, Brgy. Longos, Malabon City.

Nang suriin niya ang kuha ng kanilang CCTV ay napag-alaman ng biktima na habang natutulog sila bandang alas-3:45 ng madaling ay tinangay ng dalawang katulong ang kanyang isang wrist watch (Paneria) na nasa P150,000 ang halaga, isang earrings (White Gold, Two-Tone) na nasa P65,000 ang halaga at isang ring (White Gold, Two-Tone) na nasa P90,000 ang halaga.

Napag-alaman sa imbestigasyon na nagtungo ang dalawang katulong sa Monumento, Caloocan city upang makipagkita kay Tamayo saka isinama sila sa Brgy. 185, Malaria kung saan ibinigay ni Delabajan ang mga tinangay na alahas kay Tamayo.

 Nagtungo ang biktima at kanyang live-in partner sa Fairview Police Station 5 QCPD upang humingi ng tulong para sa posibleng pagharap kay Tamayo na pinaniniwalaang nakatira sa nasabing lugar at during komprontasyon ay dumating ang dalawang katulong at sinabing sinangla ni Tamayo ang mga alahas sa isang pawnshop sa Caloocan City at nabigo ang mga suspek na mabawi ang mga ito.

Bandang alas-12:03 ng madaling araw ng March 26, inireport ng anak na babae ng biktima ang insidente sa mga tauhan ng Sub-Station 5 ng Malabon police na agad naman nagsagawa ng follow up operation sa pangunguna ni PLt Melanio Medel Valera III na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Article 310 (Qualified Theft) of the Revised Penal Code.