PAGTITIYAK ng Philippine Coast Guard na ligtas ang pagligo ngayong sa mga beach sa lalawigan ng Batangas ngayong summer season.
Sa balitaan sa tinapayan sinabi ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balillo na sa kabila ng banta ng oil spill sa Naujan at Pola, Oriental Mindoro, ay wala naman sa ngayon silang namamataan, na langis sa mga coastal areas ng batangas partikular sa mga tourist spots gaya ng Mabini, Lobo, Tingloy at Bauan.
Ang naturang pahayag ni Balilo ay isinagawa matapos ang naging panawagan ni batangas 2nd District Representative Jinky Luistro na magdeklara ang national government ng impormasyon hinggil sa kalagayan ng mga karagtan ng Batangas na dinarayo tuwing summer season. Paliwanag ni Luistro malaki ang inaasahan ng kanyang mga nasasakupan sa industriya ng turismo dahil na rin sa naging epekto ng pandemya sa kabuhayan ng mga ito.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA