December 18, 2024

Bilang paghahanda ngayong summer season… OPLAN BYAHENG AYOS IKINASA NG PCG

Tiniyak ng Philippine Coast Guard, ang kanilang handaan ngayong Semana Santa.

Sa Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni PCG spokesman Armand Ballilo, nasa 20,000 na tauhan nila ang ipapakalat ngayong summer season para magbantay at magtiyak ng kaligtasan ng mga byahero.

Ito aniya ay bahagi ng Oplan Byaheng Ayos: Semana Santa 2023, kung saan base sa utos aniya ni PCG Commandant CG Admiral Artemio Abu ay naka- heightened alert ang kanilang buong pwersa mula Abril 2 hanggang 10 ngayong taon.

Layon aniya ng naturang hakbang na matiyak na maayos ang maritime operations at komportable ang byahe ng mga residenteng uuwi sa kani-kanilang probinsya at mga turistang bibisita sa mga tourist spots sa bansa.

Ilan sa mga nakadeploy na pwersa ng PCG ay ang kanilang mga k9 units, medical teams, security personnel, harbor patrollers, vessel inspectors, at deployable response groups.