NASAMSAM ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang limang inbound parcels na naglalaman ng P9.89 milyon halaga ng iba’t ibang illegal na droga na misdeclared bilang mga pagkain, bote, damit at sleeping bags sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.
Ayon sa mga operatiba ito’y bunsod sa napaulat na kahina-hinalang inbound parcel na nasa isang cargo warehouse sa NAIA complex.
Ang naturang parcel ay may lamang ng mahigit 2.7g ng marijuana o kush, 17ml ng liquid marijuana, at mahigit 2,800 na piraso ng ecstasy.
Kasalukuyang tini-trace na ng mga operatiba kung saan at kung sino ang nagmamay-ari ng naturang parcel.
“The BOC-NAIA, under the guidance of Commissioner Bienvenido Rubio, remains committed to protecting the country against smuggling attempts along the borders, aligned with the directives of President Ferdinand Marcos, Jr.,” saad ni NAIA District Collector Mimel Talusan.
“Customs-NAIA with different mandates will heighten its vigilance in border protection efforts, meeting revenue targets and balancing with trade facilitation,” dagdag pa nito.
Samantala, nasa P19.97-B halaga ng iligal na droga ang sinira ng PDEA. (JERRY S. TAN)
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON