TAGAYTAY CITY, CAVITE – Kalaboso na ngayon ang isang babaeng itinuturing na High Value Individual (HVI) na nagtutulak ng iligal na droga habang nakatakas naman ang isang lalake na kasabwat nito sa isinagawang joint drug buy-bust operation ng mga otoridad ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU 4A), Tagaytay City Police Station, Regional Intelligence Unit, PDEU CAVPPO, PDEG-SOU4 at PDEA4A noong Biyernes ng alas-2:30 ng madaling araw sa Barangay Silang Crossing East ng nabanggit na bayan.
Base sa ipinadalang report ng RDEU sa kay Calabazon PRO4A Regional Director Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr., Kinilala ang nadakip na suspek na si Juliet Baltazar Reyes, 38 anyos, residente ng # 541 Purok 3, Brgy. San Pedro 2, Magalang Pampanga, habang ikinanta naman nito ang pangalan ng nakatakas na isa pang suspek na si AJ Munoy, nasa hustong gulang at residente din sa probinsya ng Pampanga.
Nakuha sa posisyon ng suspek ang isang big zip lock transparent plastic bag na naglalaman ng mga white crystline substances na pinaghihinalaang shabu na may timbang na 760 grams at meron estimated drug market value na P5,168.000 at ang ginamit na boodle marked money na P1,199.000 pieces of fake P1,000 bill at isang genuine P1,000 bill.
Nasa kustodiya na ngayon ng RDEU sa Camp Vicente Lim sa Calamba Laguna ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Selling) at 11 (Possession) ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Reyes at nagpapatuloy naman ang follow operation ng mga pulis laban sa nakatakas na si Munoz. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA