December 20, 2024

ILANG MEDIA PERSONNEL, BINASTOS NG NBI AGENTS

Pinaiimbestigahan ng DOJ ang umano’y pangha-harass ng mga tauhan ng NBI sa ilang media personnel. 

Ito’y kaugnay sa ikinasang drug raid ng NBI sa Pasay City kung saan pinipilit umano ang mga miyembro ng media na pumirma sa operation report para maging witness. 

Tumanggi umano ang mga ito kaya minura at binastos sila ng mga NBI agents. 

Gayunman, umaasa ang samahan ng mga media na gagawin ng DOJ ang pangako na pananagutin nila ang ginawang pambabastos ng NBI officials. 

Kaugnay nito naglabas naman ngayong araw ng pahayag ang ahensya ng National Bureau of Investigation hinggil sa pangyayari.

 Sinabi nito na sila ay Humingi ng paumanhin sa mga miyembro ng media hinggil sa nangyaring insidente kaninang madaling araw na kinasangkutan ng drug operation sa Roxas Boulevard. Pasay City. 

Habang sinusubukan naman nilang sundin ang mga karaniwang pamamaraan sa pagpapatakbo, dahil sa mga teknikalidad sa pagsasagawa ng mga field operation, ang mga aksyon ng kanilang mga ahente ay maaaring nakasakit sa ilang miyembro ng media.

Gayunpaman, tinitingnan na ngayon ng nbi ang usapin at nagsasagawa narin sila ng mga hakbang upang matiyak na hindi na mauulit pa ang ganitong uri ng pag-uugali.

Anya pa” Pinahahalagahan ng ahensya ng nbi ang papel narin ng media sa mga operasyong nauugnay sa droga at nangangako itong pananatilihin ang isang patas at propesyonal na relasyon sa hanay ng media at ahensya.