Simula Hunyo 23, makakalipad na nang direkta ang Cebu Pacific mula Iloilo patungong Puerto Princes ng apat na beses kada linggo – tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes at Linggo, habang pinalawak nito ang inter-island connectivity sa pagitan ng central at southern parts ng bansa sa muling pagsisimula ng dalawang ruta mula sa Iloilo hub nito.
Ayon kay CEB spokesperson Carmina Romero, aalis ang 5J 262 sa Puerto Princesa International Airport ng alas-7:25 ng umaga at darating sa Iloilo ng 8:25 ng umaga. Pabalik naman na flight, aalis ang 5J 261 sa Iloilo International Airport ng 8:55 ng umaga at darating sa Puerto Princesa ng 10:05 ng umaga.
Idinagdag din nito na mag-o-operate ang flight ng CEB sa pagitan ng Iloilo at Cagayan de Oro ng tatlong beses kada linggo simula Hunyo 24 – kada Martes, Huwebes at Sabado.
Ang flight 5J 695 ay aalis sa Iloilo International Airport ng 6:30 ng umaga at darating sa Cagayan de Oro ng 7:30 ng umaga. Ang return flight naman nito, aalis ang 5J 696 sa Laguindingan Airport ng 8:00 ng umaga at darating sa Iloilo ng 8:55.
Dahil sa dalawang ruta, direkta nang makalilipad ang CEB sa anim na domestic destination sa Iloilo. Ang naturang airline ay kasalukuyang nag-o-operate ng direct flights sa Maynila, Cebu Davao at General Santos mula sa Iloilo.
Maari nang mag-book ang mga CEB travelers ang kanilang flight mula Iloilo papuntang Puerto Princesa at Cagayan De Oro, at vice versa, sa murang halaga na P27 one-way base fare hanggang Marso 10. 2023, bilang bahagi ng patuloy na seat sale ng airline upang ipagdiwang ang ika-27 anibersaryo nito.
Samantala, ang mga pasahero na may existing Travel Funds ay maaring gamitin bilang pambayad sa flight at iba pang add-ons.
Bukod sa Travel Fund, maari ring gamitin para magbayad ang payment centers, credit card o debit cards at e-wallets. (JERRY TAN)
More Stories
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Construction worker, tiklo sa P7.8 milyon shabu sa Caloocan
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI