KALAGAYAN ng professional at amateur athletes sa pagpapataas ng moral at dangal ng sambayanan ang ilan sa aspeto na bibigyan kahalagahan sa gaganaping Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes (Marso 9) sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.
Panauhin sina Games and Amusements Board (GAB) Chairman Richard Clarin at Chief of Mission ng Philippine delegation sa 32nd Southeast Asian Games Joaquin ‘Chito’ Loyzaga sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at Behrouz Persian Cuisine ganap na 10:30 ng umaga.
Inaasahang mabibigyan ni Clarin ng karampatang paglalahad ang mga kaganapan sa mundo ng professional sports tulad ng boxing at basketball, gayundin ang mga programa para mabigyan nang seguridad at karampatang pagkalinga ang mga atletang propesyunal.
Mabibigyan kasagutan naman ni Loyzaga, basketball legend at ngayon ay baseball federation president, ang mga katanungan hingil sa kahandaan ng atletang Pinoy sa pagsabak sa Cambodia SEAG sa Mayo 6-17.
Ang dating PSC Commissioner ang naitalagang Chief of Mission ng Philippine Olympic Committee (POC) para gabayan ang Philippine delegation sa biennial meet na gaganapin ngayong taon upang maisabay sa SEAG calendar matapos mapilitang isagawa ang Vietnam edition nitong nakalipas na taon bunsod ng pagkaantala sa orihinal na programa dahil sa pandemya.
Inaanyayahan ni TOPS president Maribeth Repizo ng Pilipino Star Ngayon ang mga miyembro at opisyal, gayundin ang mga sports enthusiasts na dumalo at makiisa sa talakayan na mapapanood din via livestreaming sa officials Facebook group page na TOPS Usapang Sports at Channel 8 at 45 sa Pinoy Ako (PIKO) mobile TV. Ang TOPS ay isang non-profit media sports group na binubuo ng mga sports editors, kolumnista, reporters at photographers mula sa iba’t ibang pahayagang tabloids na may tinatayang pinagsamang 200 libong sirkulasyon sa buong bansa.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?