UPANG tiyakin ang kaligtasan at hindi maabala ang mga commuters sa kanilang pupuntahan sa pagsisimula ng unang araw ng tigil-pasada ay agad umalalay at nagbigay ng Libreng Sakay ang mga Local Government Unit’s ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela Cities.
Sa Caloocan, higit 65 na sasakyan ang ipinakalat ng Pamahalaang Lungsod upang magbigay ng libreng sakay sa iba’t ibang ruta sa buong lungsod, maging ang Caloocan City Police sa pamumuno ni P/Col. Ruben Lacuesta ay nagbigay din ng libreng sakay.
Ipinag-utos naman ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval sa PSTMO ang libreng sakay para sa ligtas at maayos na paglalakbay ng mga taga-Malabon kung saan 12 na mga saksakyan ang inihanda para sa mga rutang Sangandaan – Tatawid, Malabon – Bayan –Monumento, Malabon – Acacia – Monumento at Gasak – Letre.
Sa Navotas, umarangkada na rin ang libreng sakay ng Pamahalaang Lungsod para sa mga Navoteñong naapektuhan ng tigil-pasada.
“In the instance that the weeklong transport strike push through, we are ready to provide free shuttle services to Navoteños. Our crisis management team have already met and set plans to counter the impact of the activity on our constituents’ work schedules and daily routines,” ani Mayor Joh Rey Tiangco.
Maliban aniya sa mga sasakyan ng pamahalaang lungsod, nangako rin ang 18 barangay na gamitin ang kanilang mga service vehicle para magbigay ng libreng sakay sa loob ng Navotas.
Samantala, nagpakalat din ang Pamahalang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor Wes Gatchalian ng mga truck at mga E-trikes para umalalay magbigay ng libreng sakay sa mga apektadong commuters sa iba’t-ibang lugar sa lungsod.
Maging ang mga kapulisan sa Camanava sa pamumuno ng Northern Police District (NPD) ay nagbigay din ng libreng sakay para sa mga apektadong commuters.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM