MAYNILA – Mahigit sa 90,000 tonelada ng burak at solid waste ang nahalukay ng San Miguel Corporation sa isinagawang paglilinis sa 15 kilometro ng San Juan River.
Ayon kay SMC president and CEO Ramon Ang, matagumpay na nalinis ng kompanya ang mga nakabarang basura mula sa iba’t ibang lugar na dinadaluyan ng ilog sa Maynila, Mandaluyong, San Juan at Quezon City.
Sinimulan ang paglilinis noong Oktubre at sa ngayon ay 3.1 kilometro na ang nahalukay, sakop ang bahagi ng ilog mula mula Sta. Mesa hanggang Sta. Ana, San Juan hanggang Mandaluyong at Doña Imelda hanggang Tatalon sa Quezon City.
Isinagawa ang paglilinis ng San Juan River katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at local government units (LGUs).
Noong 2021, nasa 18,850 tonelada ng basura ang nahakot ng SMC mula sa bunganga ng San Juan River, nang umabot ang kanilang Pasig River rehab effort sa San Juan junction.
Ang inisyatibo ay bahagi ng ongoing effort ng SMC para linisin ang Pasig River , sa pakikpagtungan ng national at local governments, upang tulungan mabawasan ang pagbaha sa pangunahing mga siyudad sa Metro Manila.
Sa mga nakaraang taon, sabi ni Ang, ay naglunsad na rin ang SMC ng major river rehabilitation advocacy at pinondohan ang pagpapaayos ng San Juan River Bridge o Pinaglabanan Bridge gayundin ang paglilinis sa ilog nito bilang bahagi ng Skyway Stage 3 project.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund