Nagbigay ng mas maraming update ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), kasama ang mga concerned local government units, Philippine Air Force (PAF), Philippine Coast Guard (PCG) Philippine Navy (PN), Office of Civil Defense (OCD), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at iba pang government at civilian units kaugnay sa tatlong sasakyang panghimpapawid na bumagsak sa Balabac, Palawan; Albay, Bicol; at Maconacon, Isabela.
Sa nangyaring plane crash sa Balabac, Palawan, kinukumpirma pa rin ang debris na natagpuan ng CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) investigators.
“As confirmed by Philippine Adventist Medical Aviation Services (PAMAS), the R404A tank is not from the N45VX aircraft,” ayon sa CAAP.
Kaugnay naman sa Albay, Bicol plane crash, opisyal itinigil ang operation para sa paghahanap sa mga biktima sa plane crash accident na kinasasangkutan ng Cessna 340A na may registry number RP-C2080 ni Camalig, Albay Mayor and Retrieval Operation Incident Commander Carlos Baldo.
Ang apat na kataw an ng mga biktima ay nakarekober at iturn-over sa kinauukulan. Kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng CAAP AAIIB.
Para naman sa update sa Mocanacon, Isabela plane crash, ilang linggo matapos mawala ang isang Cessna 206 type aircraft na kinilala bilang RP-C1174 nang lumipad ito mula sa Maconacon sa Isabela, patuloy pa rin ang search operation sa Siera Madre mountain range sa hilagang silingan ng Isabela upang matukoy ang lokasyon ng eroplano.
More Stories
NAVOTAS NANALO NG MARAMING AWARDS SA EXEMPLARY GOVERNANCE
MAYROON AKONG DEATH SQUAD – DIGONG
RESPONSIBILIDAD SA MADUGONG DRUG WAR, INAKO NI DUTERTE