November 23, 2024

BIGYANG -DAAN ANG PAG-ARANGKADA NG NUCAA- CHAIRMAN ARCILLA

HANGAD ni National Universities and Colleges Athletic Association  chairman Atty.Carmelo Arcilla ang mabungang kampanya ng bawat kalahok na koponan  sa pinakabagong liga ng mga estudyantena atleta na NUCAA.

   Ito ang pahayag ni Arcilla sa idinaos na pampinaleng league officers at athletic directors meeting sa  Conference Room ng  Civil Aeronautics Board kamakalawa sa Pasay City.

  Pinuri ni Arcilla,kasalukuyang mataas na opisyal ng  CAB bilang Executive Director at kilalang   sports enthusiast / event organizer sa kanyang balwarte sa Rizal Province ang mga pioneer na kasaping  institusyon sa buwenamanong ligang makapagbibigay ng oportunidad  at matupad ang ambisyon ng mga mga mahuhusay na student athletes na kailangan lang na madiskubre kahit wala sila sa mga naunang  bigtime leagues na UAAP ,NCAA at iba pa.

  Ang mga bagong NUCAA member- institutions ay ipaparada ang kanilang banners ,colors at naggagandahang muses para sa March 5,2023 ( Linggo)opening ceremonies sa San Juan Gymnasium  sa San Juan City  na kinabibilangan ng ( alphabetical)Arandia College Rhinos,

College of St. Catherine QC Wildcats, Enderun College Titans, University of Makati Herons,PCAF Elite Warriors, Electron College Warriors, SPCBA Tigersat PCCr  Serpent  Eagles.

  Nakasalalay sa matibay na samahan para sa tagumpay sa timon ng pinakamahuhusay na opisyales ng  NUCAA board of trustees na binubuo ng  ‘men and women of integrity in sports’ ng mga sumusunod: Atty Arcilla- chairman,Loreto Tolentino- vice chairman,Solomon Padiz- president ,vice president Red Dumuk,corporate secretary Atty.Joanne Marie C.Fabella,executive director Leonardo Andres,deputy executive director  Arlene Rodriguez ,treasurer Gene Tumapat,auditor Ricardo Andres,directors Arturo Cristobal,Turo Valenzona at Robert dela Rosa,PRO Danny Simon  at Jun da Jose  bilang commissioner.

   “NUCAA is here and ready to tekeoff on Sunday.Good luck to all  teams and their student athletes”,sambit ni Arcilla,dating  collegiate at commercial cager noong kanyang  prime .

  Matapos ang pag-arangkada ng  flagship basketball sa San Juan sa NCR,ilalarga rin ng liga ang multi- sports regional leagues sa buong kapuluan ayon naman kay Direk Andres .   Ilalaro din ang mga sports disciplines na volleyball,pingpong,badminton arnis,beach volleyball at taekwondo.