KABUUANG 37 swimmers mula sa iba’t ibang swimming clubs na nasa pangangasiwa ng Swim League Philippines (SLP) ang tumulak patungong Bangkok, Thailand para lumahok Asian Open Schools Invitational Aquatics Championship sa Marso 3-7.
Kasama ang 12 coach, sa pangunguna ni Brian Estipona ng Sharpeedo Swim Team na may isinamang 10 atleta, dumating ang delegasyon ng bansa sa kapitolyo ng Thailand kahapon at agad na nagsagawa ng ‘light workout’ para maisanay ang katawan at kaisipan bago ang simula ng apat na araw na age-group tournament.
“Konting pahinga lang, then test kami agad sa pool para ma-acclimatized ang mga bata. Maganda naman ang preparasyon dahil galing naman kaming lahat sa tournament bago ang byahe,” pahayag ni Estipona, dating collegiate swimmer ng University of Santo Tomas.
Ang mga miyembro ng SLP-Philippine Team na nagmula sa Manila, Kidapawan, Cagayan De Oro, Pangasinan, Baguio, Tarlac,Caloocan, Leyte, Cebu, Legazpi, Pampanga, at Antipolo ay pawang nakapasa sa qualifying time sa mga isinagawang swimming competitions sa buong bansa sa pangangasiwa ng SLP na pinamumunuan nina Chairman Joan Mojdeh at pangulo na si Fred Ancheta.
“Patunay ito na tuloy ang misyon ng SLP na sinimulan ng namayapang swimming legend na si Susan Papa na tuklasi ang mga batang talent sa mga lalawigan at sanayin sa pamamagitan ng paglahok sa mga torneo sa abroad,” pahayag ni Ancheta.
Ang SLP ay isa sa dalawang lehitimong swimming association na may malawak na programa sa grassroots sports development at may kabuuanng 400 miyembrong swimming clubs, schools at asosasyon sa buong bansa. Tanging ang Congress of Philippine Aquatics (COPA) lamang ang kahalintulad ng SLP na may maraming miyembrong swimming association sa bansa sa labas ng nabuwag na Philippine Swimming Inc.
“Year-round ang tournament namin sa SLP and we partnered with the different Local Governments Units (LGU) kaya talagang nasusuyod namin maging ang mga malalayong lalawigan para makapag-tpournament at mabigyan ng pagkakataon ang mga underprivileged swimmers na makasama sa koponan na inilalahok naming sa abroad,” pahayag ni Ancheta.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund