Umabot sa 211 miyembro at tagasuporta ng Anakpawis ang iniatras ang kanilang membership at pinutol ang kanilang ugnayan sa CPP-NPA-NDF matapos ang mass disaffiliation ceremony na isinagawa sa Taytay, Rizal.
Pinanguhan ang seremonya, na ginanap sa Sitio Pyramid, ni Dolores Barangay Task Force to End Local Communist Armed Conflict Hon. Barangay Chairman Rene Tapawan at Taytay MTF-ELCAC sa pangunguna ni Hon. Mayor Allam Martine De Leon, katuwang ang 80th Infantry “Sandiwa” Battalion, Rizal PNP at Taytay PNP.
Bilang bahagi ng kanilang disaffiliation mula sa militanteng grupo at pormal na pagkalas ng suporta sa Communist Terrorist Group, nakiisa ang mga dating miyembro at supporter sa paglikha ng People’s Organization at nanumpa ng kapatan sa gobyerno, lumagda sa peace covenant at sinunog ang mga watawat ng CPP-NPA-NDF.
Ang Anakpawis, isang partylist ng marginalized sectors ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, pambansang minorya, at urban at rural poor, ay isang sectoral front organization ng CPP-NPA0NDF at electoral wing ng Kilusang Mayo Uno at Kilusang Mangbubukid ng Pilipinas.
Ito ay kabilang sa mga organisasyon na pinangalanan ni CPP founder chairman Jose Maria Sison bilang bahagi ng demokratikong pwersa ng CPP-NPA-NDF sa pagsulong ng kanilang rebolusyon sa Pilipinas.
“We in the security sector are grateful that through our peace efforts with the Task Forces ELCAC, our kababayans are now supporting the government’s peace initiatives. We will continue to engage with our fellowmen to find peaceful resolutions to security problems in the area,” saad ni 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. General Roberto S. Capulong.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY